Tungkol sa Sideline Pa More!

Maraming nagtatanong sa aking mga kaibigan kung ano pa ang pwede pa nilang pagkakitaan. Marahil ay nakikita nila na kahit may maayos akong hanapbuhay bilang isang empleyado ay nakukuha ko pang magkaron ng isang maliit na negosyo. 

Empleyado sa Umaga, Entrepreneur sa Gabi! Iyan ang mga linyang sinasabi ko tuwing nakikipagkilala ako sa mga bagong kaibigan.

Oo, hanggang sa mga oras na sinusulat ko ang post na ito, kasama ako sa 41.8 milyong mga manggagawang Pilipino na ang rason sa pag gising sa umaga ay ang pag pasok sa opisina. Sigurado akong nakaka-relate ka sa mga sinasabi ko. Marami sa atin na araw araw ay binabagtas ang EDSA, at ang dalawang oras na byahe mula Quezon City hanggang Makati ay hindi na makatarungan. Nakakapanghinayang ang mga oras na ito na kung saan pwede ka ng makahanap ng iba pang pagkakakitaan.

Marami pa rin ang isang kahig, isang tuka! Sa kakarampot na sweldo ng mga manggawang Pilipino, maraming nag-iisip sa atin kung ano pa ang pwedeng gawin upang madagdagan ang kinikita.

At eto ang 'purpose' ng blog na eto. Nais kong 'i-share' ang mga sideline na nagawa ko na simula nuong ako'y labing limang taong gulang pa lamang. Nais ko ding ibahagi ang mga iba pang ideya na pwede nating gawin na kahit na tayo ay may hanap-buhay, ay makadagdag sa ating "active income."

Kung nais nyo ring magbahagi ng inyong mga karanasan bilang Empleyado sa Umaga, Entrepreneur sa Gabi, mag email lamang sa bonsky_jen@yahoo.com




No comments:

Post a Comment