Saturday, 24 October 2015

Additional Income ba kamo? Sideline Pa More!

It's my birthday today! Naisip kong isabay ang kauna unahan kong post  para sa Sideline Pa More! Sa ganitong paraan magiging espesyal ang blog na ito dahil magkasabay kami ng kaarawan. Hindi lamang ito para sa mga magiging followers at readers nito kung 'di ay para na din sa sarili ko, regalo ko sa sarili ko. Mukhang madalas kong magiging kausap ang sarili ko tuwing magsusulat ako ngayon. Personal ang magiging atake ko at sa palagay ko handa nadin akong ibahagi ang mga ilang parte ng buhay ko.

Ang drama ano? Pero sa totoo lang, sobrang na miss kong mag sulat ng ganito. Ibang iba ito sa  mga nakaraan  kong blog. 

Simulan na natin.

Maraming nagtatanong sa aking mga kaibigan kung ano  ang pwede pa nilang pagkakitaan. Marahil ay nakikita nila na kahit may maayos akong hanapbuhay bilang isang empleyado ay nakukuha ko pang magkaron ng isang maliit na negosyo. 

Empleyado sa Umaga, Entrepreneur sa Gabi! Iyan ang mga linyang sinasabi ko tuwing nakikipagkilala ako sa mga bagong kaibigan.

During the taping of Kabuhayang Swak na Swak
Oo, hanggang sa mga oras na sinusulat ko ang post na ito, kasama ako sa 41.8 milyong mga manggagawang Pilipino na ang rason sa pag gising sa umaga ay ang pag pasok sa opisina. Sigurado akong nakaka-relate ka sa mga sinasabi ko. Marami sa atin na araw araw ay binabagtas ang EDSA, at ang dalawang oras na byahe mula Quezon City hanggang Makati ay hindi na makatarungan. Nakakapanghinayang ang mga oras na ito na kung saan pwede ka ng makahanap ng iba pang pagkakakitaan.

Marami pa rin ang isang kahig, isang tuka! Sa kakarampot na sweldo ng mga manggawang Pilipino, maraming nag-iisip sa atin kung ano pa ang pwedeng gawin upang madagdagan ang kinikita.

At ito ang purpose ng blog na eto. Nais kong i-share ang mga sideline na nasubukan  ko na simula nuong ako'y labing limang taong gulang pa lamang. Nais ko ding ibahagi ang mga iba pang ideya na pwede nating pagkakitaan na kahit na tayo ay may hanap-buhay, ay makadagdag sa ating income. Hindi man ako eksperto sa larangan na ito, ngunit samahan nyo po ako at i-explore pa ang marami pang posibilidad. Ito din ang mabibigay daan kung saan ibabahagi ko ang mga experience ko sa larangang ito.

Para ito sa mga masisipag na Pilipino at saludo ako sa inyo!

Kung nais nyo ring magbahagi ng inyong mga karanasan bilang Empleyado sa Umaga, Entrepreneur sa Gabi, mag email lamang sa bonsky_jen@yahoo.com


No comments:

Post a Comment